BATAAN- DUMATING na lalawigan ang mga grupo mula sa United States Coast Guard (USCG) at National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA) upang tumulong sa operasyon para linisin ang oil spill sa lugar.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), binubuo ang USCG at NOAA ng walong miyembro na magbibigay ng technical assistance.
Makikipag-ugnayan ang USCG at NOAA sa PCG Incident Management Team hinggil sa recovery operations sa tatlong maritime incidents na kinasasangkutan ng MTKR Terranova, MTKR Jason Bradley at MV Mirola 1.
Papalitan ng metal cap ang nauna nang nakitang capping bags mula sa motor tanker upang maiwasang lumala ang pagkakalat ng langis sa karagatan habang isinasagawa ang siphoning operation.
Pagkatapos mapalitan ng metal cap, maaaring magsimula ang siphoning operation sa 1.4 milyong litro ng industrial fuel oil mula sa MTKR Terranova na 300,000 liters ang kailangang masipsip para mapalutang ang motor tanker.
P ANTOLIN