MULING nagpapasalamat si Department of National Defense (DND) Secretary Carlito Galvez Jr., sa Estados Unidos sa ginawang pagkilala sa kabayanihan at sakripisyo ng mga Pilipinong war veteran nitong ikalawang digmaang pandaigdig sa pamamagitan ng paggawad ng Congressional Gold Medal.
Ang pahayag ay ginawa ni Galvez sa ika-22 United States Congressional Gold Medal Awarding Ceremony para sa 38 Pilipino war veterans sa Camp Aguinaldo kung saan 15 rito ay namayapa na.
“US Congressional Gold Medal (CGM) conferment to Filipino vets, testament to PH-US shared history, strong alliance” ani Galvez.
Ang pagtanggap ng mga beterano ng Congressional Gold Medal ay nataon sa pagbisita sa bansa ni US Secretary of Defense Lloyd J. Austin III.
Pinasalamatan din ng kalihim ang Philippine Veterans Affairs Office sa pangunguna ni Administrator Undersecretary Reynaldo Mapagu at dating Defense Secretary Delfin Lorenzana sa kanilang pagsulong ng legislation na naggagawad ng Congressional Gold medal at mga benepisyo sa mga Pilipinong beterano.
Nabatid na mula 2018, nasa 628 beterano na ang nakatanggap ng nasabing parangal karamihan sa mga ito ay nasawi na dahil sa sakit at katandaan.
“For years, we have fought for the rightful recognition of our Filipino veterans and we will continue to do so because this is the least we can do for them,” ani Mapagu.
“Our veterans are heroes in the truest sense. They deserve the highest form of recognition for serving in various capacities and fighting shoulder-to-shoulder with our American soldiers during the Second World War,” dagdag pa ng kalihim. VERLIN RUIZ