US EMBASSY NABABAHALA SA PAG-DAMI NG FIXERS

US EMBASSY

NABABAHALA ang Embahada ng Estados Unidos sa pagkalat ng mga  fixer na nambibiktima sa mga kapwa Filipino na nagnanais na mapabilis na proseso ng kanilang visa applications.

Ani Leon Gender, Fraud Prevention Manager ng US Embassy, ang mga illegal fixers ay gu­magamit ng social media o nagpapanggap na may koneksiyon sa loob ng embahada upang manghikayat at mapaniwala ang kanilang mga biktima.

Nilinaw ni Gender, hindi naman mahirap ang mag-asikaso ng visa, kung kaya’t hindi kailangang mangamba ng mga Filipino na mapatagal o mahirapan sa pagkuha nito.

Comments are closed.