US HINIMOK NI PBBM NA TUMULONG VS OIL PRICE HIKE

HINIMOK  ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Estados Unidos na tumulong para pigilan ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo na epekto ng sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Ayon kay Pangulong Marcos, mainam gamitin ng US ang kanilang global influencer upang maibsan ang pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo.

Hinikayat din ni PBBM ang US na suportahan ang ASEAN Plan Action on Energy Cooperation.

Asahan na sa Martes ang dagdag-bawas sa produktong petrolyo.

Ayon sa ilang energy sources, bababa sa 30 centavos hanggang 50 centavos kada litro ang presyo ng diesel at kerosene habang ang presyo ng gasolina ay posibleng tumaas ng 55 centavos hanggang 75 centavos kada litro.

Una nang sinabi ni Department of Energy Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad na mahigpit ang supply at demand sa world market dahilan ng dagdag-bawas sa presyo ng krudo. DWIZ882