US, JAPAN GOV’T ILILIKAS NA ANG KANILANG KABABAYAN SA WUHAN, CHINA

Wuhan

ILILIKAS na ng mga gobyerno ng Amerika at Japan ang kanilang mga  kababayan na nasa Wuhan City, China na ngayon ay may epidemya ng nobel coronavirus o nCoV.

Isasakay ng Amerika ang mahigit 200 mamamayan nito kabilang ang ilang diplomats sa chartered flight  ngayong Miyerkoles, sa Tianhe International Airport at lalapag sa Ontario, California.

Ayon sa U.S. State Department, bago pa man umalis sa Wuhan ang eroplano ay isasailalim na sa screening process ang mga pasahero.

Samantala, ipinag-utos na rin ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe ang paglilikas sa 430 Japanese nationals nila sa Wuhan City at isasakay rin sa chartered flight.

Tiniyak ni Abe ang pakikipag-ugnayan sila  sa Chinese government para sa agarang paglilikas.

Ang Japan ay nakapagtala na ng apat na kumpirmadong kaso ng nCoV. DWIZ882

Comments are closed.