US MAGPAPADALA NG STUDES SA PINAS

BALAK  ng Estados Unidos na magpadala ng mga estudyante sa Pilipinas para mag-aral ng nursing courses sa bansa.

Sa courtesy call ni US Senator Tammy Duckworth kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Malakanyang, sinabi nito na kinakausap na niya ang embahada ng Amerika para sa posibilidad na magpadala ng kanilang mga estudyante sa Pilipinas.

Ayon kay Duckworth, makatutulong ang pag-aaral ng American students sa nursing schools sa Pilipinas para matugunan ang kakapusan sa nursing programs at residency slots sa Amerika.

Bukas naman si Pangulong Marcos sa partnerships sa US government at nagpasalamat kay Duckworth sa patuloy na suporta sa bansa.

Kabilang din sa mga natalakay ng Pangulo at US senator ang tungkol sa renewable energy sa harap ng epekto ng climate change at pandemya sa ekonomiya.