US MARINE PEMBERTON PINALAYA NG KORTE

Joseph Scott Pemberto

IPINAG-UTOS ng korte ang pagpapalaya kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberto na nakulong sa kasong homicide.

Sa inilabas ng desisyon ng  Olongapo City Regional Trial Court (RTC)  Branch 74  na may petsang Setyembre 1,  inaprubahan ng korte ang inihaing Partial Motion for Reconsideration ni Pemberton.

Dahil dito ay  ipinag-utos ng korte sa Bureau of Corrections (BuCor) ang pagpapalaya sa US marine na  na-convict sa pagpatay sa isang transgender woman na si Jennifer Laude noong 2014.

Ginamit ng korte  ang good conduct time allowance sa pagsisilbi ni Pemberton ng 10 taon sa piitan.

Comments are closed.