NAG-ABISO ang US State Department kaugnay sa pagbiyahe ng kanilang mamamayan sa Filipinas dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases dito.
Ayon sa US State Department, pag-isipan ng mga Amerikano ang pagtungo sa Filipinas kasunod ng paglalabas ng US centers for disease control and prevention ng level 3 health travel notice sa bansa.
Nagpaalala rin ang pamahalaan ng US laban sa pagbiyahe sa Sulu Archipelago, Southern Sulu Sea at Marawi City sa Mindanao dahil sa krimen, terorismo, kaguluhan at kaso ng kidnapping.
Pinayuhan US government ang mga bibiyahe nilang mga mamamayan na makipag-ugnayan sa kanilang mga airline o travel operators para sa mga impormasyon kaugnay ng mga ipinalabas na travel restrictions.
Comments are closed.