US NAG-ULTIMATUM SA ISRAEL

US Secretary of State Antony Blinken

NAGLABAS ng 30 araw na ultimatum ang Amerika sa Israel para palakasin ang humanitarian aid access sa Gaza.

Sakali aniyang mabigo, nagbanta ang Amerika na ititigil ang military aid dito.

Ipinarating ang n­atu­rang warning sa isang sulat na ipinadala sa  Israel na itinuturing na pinakamatinding pormal na babalang inisyu nito sa kanilang kaalyadong bansa simula nang sumiklab ang giyera sa Gaza.

Nilagdaan nina US Secretary of State Antony Blinken at Defense Secretary Lloyd Austin ang naturang sulat. Dito, inihayag din ng US na labis itong nababahala sa deteriorating humani­tarian situation sa rehiyon.

Nakasaad din sa sulat na tinanggihan o pinigilan ng Israel ang halos 90% ng humanita­rian aid na ipinadala sa Gaza noong nakalipas na buwan.