UPANG solusyonan ang nagbabadyang kakulangan ng supply sa enerhiya, at ang problema ng power outage sa Occidental Mindoro, napipisil ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang makabagong teknolohiya “cutting edge” para sa nasabing banta ng krisis.
Nagkataon naman ay nakaharap ni Pangulong Marcos ang mga opisyal ng Ultra Safe Nuclear Corporation, isang US-based firm global leader at vertical integrator sa nuclear technologies and services.
Sa kanilang paghaharap sa Washington ni Francesco Venneri, CEO ng Ultra Safe Nuclear Corporation, ay nagpahayag ng interes na dalhin ang malinis at reliable nuclear energy sa Pilipinas.
Aniya, ang hakbang ay masasabing napapanahon at inilarawan bilang “probably a very important way for us to enter the market.”
Sakaling maisakatuparan at mabuo ang kasunduan, ikinokonsidera naman ng USNC ang Pilipinas bilang unang nuclear energy facility sa Southeast Asia at tiyak na tutulong na matugunan ang problema sa kakulangan ng supply ng enerhiya at mabawasan ang blackouts sa maraming lugar sa bansa.
“We also note that there’s a great deal of discussion about Mindoro having blackouts and that might be an excellent….a good science [solution],” ayon kay Venneri, na tumutukoy sa power outages sa Occidental Mindoro.
Bukod sa Mindoro, ang naabing proyekto rin ay laan sa iba pang kinakaharap na problema sa koryente sa Pilipinas. EVELYN QUIROZ