UMABANTE si Serena Williams sa US Open fourth round makaraang pataubin ang kababayang si Sloane Stephens.
Sa round 3 game ay sinibak ni Williams, 38, si Stephens, 2-6, 6-2, 6-2, upang umusad sa susunod na round kung saan makakasagupa niya si Greek player Maria Sakkari.
“In that first set I don’t think she made any errors, honestly. She was just playing so clean and I just said, ‘I don’t want to lose in straight sets,'” sabi ni Williams.
Si No. 3 seed Williams ay nagwagi na ng 23 Grand Slams kabilang ang anim na US Open titles (1999, 2002, 2008, 2012, 2013, and 2014).
Nagmartsa rin si Japanese tennis star Naomi Osaka sa ‘last 16’ makaraang gapiin si Marta Kostyuk ng Ukraine, 6-3, 6-7, 6-2.
Samantala, tinalo ni David Goffin ng Belgium si Filip Krajinovic ng Serbia sa straight sets, 6-1, 7-6, 6-4, upang umabante sa men’s fourth round.
Comments are closed.