US OPEN TITLE KAY MEDVEDEV

NAKOPO ni world No.  2 Daniil Medvedev ang kanyang unang grand slam title makaraang pataubin si world No. 1 Novak Djokovic sa straight sets, 6-4, 6-4, 6-4, sa US Open final.

Bigo si Djokovic na makuha ang record 21st grand slam title at makumpleto ang first men’s calendar grand slam — kung saan nanalo siya sa Australian Open, French Open, Wimbledon at US Open sa parehong taon — magmula nang gawin ito ni Rod Laver noong 1969.

Si Medvedev, tinalo si 12th seed Felix Auger-Aliassime ng Canada sa straight sets upang umusad sa final, ay sumalang sa kanyang ikatlong career grand slam final, kung saan nabigo siya sa unang dalawa.

Yumuko ang 25-year-old kay Rafael Nadal sa limang sets sa 2019 US Open final at natalo sa Australian Open final kay Djokovic sa straight sets sa kaagahan ng taon.

Gayunman, higit na naging matikas si Medvedev ngayong taon kung saan sa isang set lamang siya natalo patungo sa final kung saan naiganti niya ang pagkabigo sa Melbourne.

Matapos ang kanyang semifinal win kontra Auger-Aliassime, sinabi ni Medvedev na marami siyang natutunan sa pagkatalo sa final laban kay  Djokovic sa Melbourne.

“He was playing different than the matches he did before me, and I was kind of not ready for it, so now I am,” wika ni Medvedev patungkol sa taktika ni Djokovic.

3 thoughts on “US OPEN TITLE KAY MEDVEDEV”

  1. 255809 760146I really like this blog web site, will undoubtedly come back once again. Make confident you carry on creating quality content articles. 921401

Comments are closed.