US PACIFIC COMMAND TUTOK SA MGA TERORISTA

USINDOPACOM

HINDI nagbabago ang size, strength, capabilities, o aktibidad ng ISIS-East Asia (ISIS-EA) ayon sa e unclassified information na inilabas ng U.S. Indo-Pacific Command  subalit karamihan ng may 500 miyembro nito ay mga matatandang miyembro ng mga militanteng Islamist group sa Filipinas na sinasabing niyakap ang ideolohiya ng ISIS base sa inilabas na quarterly report ng USINDOPACOM.

Nabatid sa nasabing unclassified information na tinututukan ng US ang galaw ng mga terorista partikular ‘yung mga nagka-kanlong sa Filipinas.

Ayon sa U.S Intel report, karamihan ng mga foreign terrorist na pumuslit sa Filipinas partikular sa Mindanao ay mga nabigong makapasok sa Syria at Iraq para sumubok sa inilulunsad nilang giyera.

Ayon sa USINDOPACOM report sa Department of Defense, karamihan ng suicide attacks sa Filipinas ay isinagawa ng mga foreign nationals na nagtangka subalit nabigong magtungo sa mga conflict zone sa Syria at Iraq. “They were likely radicalized prior to their travel to the Philippines.”

Tiwala ang USINDOPACOM na ang ISIS ideology at ang pagpapatampok nila sa suicide attacks ay hindi naka apekto sa sambayanang Filipino bagamat pinalakas nito ang loob ng mga  ISIS-EA factions, o ISIS inspired militant group.

Kinumpirma ng AFP na noong  Setyembre 8, isang female suicide bomber ang pinasabog ang sarili malapit sa checkpoint ng military sa Inda­nan, Sulu na hinihinala ng  AFP na iniugnay sa faction ng  ISIS-EA 4. VERLIN RUIZ

Comments are closed.