US-PAF COPE THUNDER SIMULA NA

NAGSIMULA nang umarangkada ang Cope Thunder 23-1, military exercise sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos, ilang araw matapos ang PH-US Joint Balikatan war exercise .

Ayon kay Philippine Air Force Spokesperson Ma. Consuelo Castillo, kasabay sa selebrasyon ng Labor Day ay muling sinimulan ang nasabing pagsasanay na tatagal hanggang May 12, 2023 matapos na matigil ito noong 1990.

“The original Cope Thunder exercises, which provided regular flight training for US pilots and those of allied nations, were first held in 1976 and continued annually in the Philippines until 1990. CT-Ph23-1 marks the revival of the bilateral exercise between the two Air Forces after more than three (3) decades,” ani Col. Castillo.

Mahigit 500 airmen mula United States Air Force (USAF) at ibat ibang unit ng Philippine Air Force ang sumasabak ngayon sa nasabing military exercise sa Clark Air Base, Pampanga.

Pakay nitong linangin ang kahandaan ng dalawang hukbo sa pamamagitan ng pagsasagawa ng air to air operations na magbibigay oportunidad sa dalawang bansa na paghusayin pa ang kanilang kapasidad sakali mang magkaroon ng threat sa rehiyon.

Kabilang sa drill ang Defensive Counter Air at Offensive Counter Air operations kung saan sasanayin ang mga kalahok sa identification, tracking at interception ng enemy aircraft.
VERLIN RUIZ