US-PH AIR FORCE SASABAK SA COPE THUNDER AIR EXERCISES

NAKATAKDANG sumabak ang Hukbong Panghimpapawid ng Pilipinas at Estados Unidos sa ikalawang iteration ng Cope Thunder air exercises sa darating na Hunyo 17 hanggang Hunyo 28, 2024.

Ayon kay Philippine Air Force Spokesperson, Col. Ma. Consuelo Castillo, inaasahan malaking bilang ng kanilang mga air assets at mga kagamitan ang gagamitin sa pagsasanay na ito bukod pa sa malaking deployment ng mga tauhan ng kanilang hukbo .

Inaasahan din ang malakihang pagsasanay sa himpapawid na ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na ng hukbo dahil bukod sa Cope Thunder sa kauna-unahang pagkakataon ay magpapartisipa ang Royal Australian Air Force sa

“Pitch Black” exercise kung saan nakatakdang aktwal na lumahok ang mga fighter plane ng PAF.

Ang “Pitch Black” exercise naman ay nakatakdang isagawa sa Hulyo 12 hanggang Agosto 2, 2024 na lalahukan naman ng mga tauhan at aircraft ng mga Hukbong Panghimpapawid ng iba’t-ibang mga bansa.
VERLIN RUIZ