US, PH AIR FORCE SUMABAK SA URBAN WARFARE TRAINING

PAMPANGA- NAGSAGAWA ng Close Quarter Combat ang mga tauhan ng Philippine Air Force at United States Air Force na bahagi ng isinasagawang joint military exercises nito na Cope Thunder 23-1 sa Basa Air Base, Floridablanca sa lalawigang ito.

Ayon kay PAF spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo, ito ay bahagi ng Subject Matter Expert Exchange na nilahukan naman ng mga tropa mula sa 544th Security Forces Squadron, 5th Fighter Wing ng Philippine Air Force, kasama ang US counterparts nito.

Pakay ng pagsasanay na turuan ang mga tauhan ng Philippine Air Force at kanilang US counterpart hinggil sa fundamental tactics, techniques at procedures sa pagsasagawa ng team level, structural based, dynamic close quarters room combat.

Pinaniniwalaang magagamit ng mga sundalo ang mga kaalaman na ito mula sa naturang pagsasanay pagdating sa mga pakikipagbakbakan partikular na sa mapanganib na urban warfare.

Ang Cope Thunder 23-1 exercises sa pagitan ng PH Air Force at US Air Force ay nagsimula noong Mayo 1 na magtatagal naman hanggang sa Mayo 12. VERLIN RUIZ