US-PH PACIFIC PARTNERSHIP, PAGTITIBAYIN

DUMATING ang United States Naval Ship (USNS), City of Bismarck sa daungan ng Legazpi City sa Albay para sa dalawang linggong Pacific Partnership mission sa Pilipinas sa  Agosto 1-14.

Mainit na tinanggap ni Legazpi City Mayor Geraldine Rosal kasama ang iba pang opisyal ng pamahalaang lungsod ang visiting team ng Estados Unidos.

“It’s wonderful to return to the Philippines, where we look forward to training alongside the citizens of Legazpi’s medical and disaster relief personnel,” sabi ni Pacific Partnership 24-2 mission commander Capt. Daniel J. Keeler.

Binigyang-diin ni Keeler ang Pacific Partnership bilang pinakamalaking taunang multinational humanitarian assistance at disaster relief preparedness mission na isinasagawa sa Indo-Pacific.

“We have an Austra­lian deputy commander, a British medical team from the UK, and a Korean ship coming from South Korea. It is truly a multinational effort as we work together to be prepared for whatever happens in the future” dagdag pa nito.

220 na tauhan ng US Navy kasama ang iba pang multinational teams ang sasali sa iba’t-ibang humanita­rian at civic preparedness activities sa lungsod.

Ang misyon sa taong ito ay tututok sa apat na pangunahing area tulad ng engineering, medical training and collaboration, humanitarian assistance and disaster relief workshop.

RUBEN FUENTES