NAGSAGAWA ng Combined Arms Live Fire Exercise (Calfex) kahapon ang mga Amerikanong sundalo kasama ang mga sundalong Pinoy sa Colonel Ernesto Ravina Air Base, Crow Valley na bahagi ng Philippine-U.S. Exercise Balikatan 2019.
Sa ulat, naranasan ng U.S. Army, Marine Corps at Air Force service members na magsagawa ng live fire exercise sa Filipinas kasabayan ang mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines.
Ang Calfex ay isang pagsasanay kung saan sasalakayin at kukubkubin ng joint ground and air elements ang isang tukoy na target.
Nabatid na bago naisakatuparan ang live-fire execution, ay nagkaroon muna ng masusing rehearsal ang Philippine at U.S. Army, Marine Corps and Air Force troops para maging matagumpay ang mission.
“Service members from across the Philippine and U.S. militaries came together using their ground maneuver, artillery, mortars and air elements to successfully execute this complex live fire event,” ani U.S. Army Col. Leo Wyszynski, 1-2 Stryker Brigade Combat Team Commander.
“Throughout the exercise, from planning to execution, we’ve shared tactics and techniques that will allow us better operate together to ensure regional stability,” paglalarawan pa ng US counterpart ng AFP.
Ayon naman kay Philippine Army Brig. Gen. Leopoldo A. Imbang Jr., 1st Brigade Combat Team, ipinakikita rito ang kakayahan ng mga sundalong Pinoy at Amerikano at tampok rito kung paano kumilos at magpatupad ng magkatuwang na misyon ang dalawang magkaalyadong puwersa.
Magugunitang ipinag-utos ng Duterte administration na bawasan ang live fire exercise sa mga idaraos na balikatan exercise at sa halip ay tumutok sa Humanitarian Assistance and Disaster response. VERLIN RUIZ