TINATAYANG aabot sa $5,724.00 multa kada manggagawa ang kakaharapin ng bawa’t kompanya sa United States na may undocumented immigrants kung saan ito ay inilathala ng Department of Homeland Security (DHS) na final rule sa Federal Registry kahapon.
Base sa ilang news agency, ang nasabing kautusan ay pinagbitay ng U.S. Immigration and Customs enforcement (ICE) kung saan ang dating multa laban sa mga kompanyang may illegal immigrants ay US$5,579.00 kada employee.
Sa nakaraang civil penalties laban sa mga employer na nag-hire, nag-recruit, nag-refer o kaya nag-retain ng undocumented aliens ay umaabot lamang ng US$698 hanggang $5,724.00 ngunit sa kasalukuyan ay itinaas ang multa simula $716 hanggang $5,724 sa unang paglabag.
Napag-alamang sa ikalawang paglabag ng employer ay pagmumultahin ito ng $14,308 habang sa ikatlong paglabag ay nahaharap ito sa multang $28,619 kada isa (undocumented immigrant) kung saan epektibo ang nasabing multa nitong Enero 2, 2025 sa pagpasok ng Trump Administration.
Magugunita na noong unang termino ni Trump ay nagsagawa ng nationwide operation ang mga operatiba ng ICE laban sa mga negosyong nag-hire ng undocumented immigrant kung saan sa unang 8-buwan noong 2019 ay aabot sa 5, 200 notice ang ipinadala sa mga kompanyang ni-raid at ang ibang employers ay inaresto.
Base sa Federal Law, binigyan ng 3-araw na palugit ang mga employer na mag-produce ng valid 1-9 form para sa work eligibility ng kanilang employees at kapag ito ay hindi naipaliwanag ay magreresulta sa legal action ng ICE at pagmumultahin.
MHAR BASCO