ANG mga deportee na may nakabinbin na kaso sa mga local court ang itinuturing na pangunahing dahilan sa pagkapuno ng BI Detention Center sa Taguig.
Ayon sa pahayag ng isang BI official, kadalasan umaabot ng ilang taon bago naipapa-deport ang nakakulong na dayuhan sa BI Detention Center, bunsod sa mistulang usad pagong na paglilitis ng mga kaso.
Batay sa impormasyon na nakalap ng pahayagang ito, tinatayang umaabot sa 140 hanggang 300 deportees ang total na capacity ng kulungan.
Dagdag pa ng opisyal na ang immediate resolution ng mga kaso ay malaking tulong upang ma-decongest ang kanilang mga selda. Froilan Morllos