NAGBABALA ang isang opisyal ng United States Agency for International Development (USAID) sa unti unting pagkawala sa kasalukuyan ng “global biodiversity” o pandaigdigang saribuhay o lahat ng uri ng may buhay sa planeta kung kaya ito ay nananawagan sa lahat na magsagawa ng mga kaukulang hakbang upang mapigilian ang krisis na ito na posibleng magdulot ng malaking sakuna o “catastrophy”.
“The current state of global biodiversity loss around the world is alarming,” ang sabi ni USAID Deputy Mission Director Rebekah Eubanks sa International Day for Biological Diversity noong Mayo 22 sa Taguig. Ang naturang mensahe naman ay ibinahagi sa media ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
“Species are disappearing at an unprecedented rate because of habitat destruction, climate change, pollution, unsustainable agricultural practices, and exploitation of natural resources,” sabi ni Eubanks.
“Biodiversity loss not only threatens the survival of countless species, but also undermines the stability of ecosystems, impacting human wellbeing and livelihoods, Biodiversity refers to all life forms on the planet,” ang patuloy na pahayag ni Eubanks.
Base sa tema ng selebrasyon ng taong ito na #BePartofthePlan,” binigyang diin ni Eubanks na hindi ito kayang solusyonan ng isang ahensya ng pamahalaan lamang, kundi lahat ay kinakailangang tumulong at sumuporta sa mga conservation efforts at mga adbokasiya tungkol dito. “We must all take action to safeguard these precious resources for future generations,” ang sabi pa ni Eubanks.
Sa ilalim ng pamumuno ni DENR Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga, ang DENR ay nag -adopt ng whole-of-government at whole-of-society approach, partnerships, linkages sa iba ibang grupo maging pakikipag -ugnayan sa mga ahensya at pribadong sektors at lahat ng stakeholders para sa conservation, ecosystem protection, integrity at resilience ng komunidad sa paligid nito.
Ayon sa DENR, nakikipagtulungan na rin ang USAID sa pamahalaan ng Pilipinas upang protektahan ang likas na yaman nito lalo pa at kilala ang bansa na mayaman sa biodiversity. Ayon sa mga opisyal ng DENR, kasalukuyan itong bumabalangkas ng mga national environmental law enforcement action plan upang mas mapatatag ang kooperasyon at koordinasyon ng national government agencies, ang paliwanag ni Eubanks.
Ang Palawan,ang itinuturing na last ecological frontier ng Pilipinas,sinabi ni Eubanks na sinusuportahan ng USAID ang paglika ng “first-ever province-wide plan for forest and landscape restoration” upang mapamahalaan umano ang mga kailangang ayusin tuwing nagkakaroon ng mga kalamidad o disaster.” The plan seeks to restore 71 percent of forests that were damaged over a five-year period in northern Palawan,” ang nakasaad sa media statement.
Ma. Luisa Macabuhay -Garcia