KAMAKAILAN ay muling naglabas ng pahayag ang consumer group na Laban Konsyumer, Inc. (LKI) ukol sa nakabimbin nitong petisyon sa pagbawi ng pagtaas ng presyo ng Feed in Tariff (FIT) na inaprubahan noong Mayo 2020.
Muling nanawagan si LKI President Atty. Vic Dimagiba sa Energy Regulatory Commission (ERC) at TransCo na aksiyunan na ang petisyong ito. Nanatiling walang aksiyon sa naturang petisyon, ngunit dapat ay nakita na ang epekto nito sa 2021 FIT-All petition. Ang mga pagpapawalang-bisang ito ay dapat sabay-sabay na inaprubahan, dahil ang ERC 2021-001 RM ay nakatakda noong unang linggo ng Enero 2021.
Ang FIT ay isang uri ng singil na hindi dapat sinisingil sa mga konsyumer. Ang singil na ito ay dapat tanggalin sa lalong madaling panahon, lalo na ngayong panahon ng pandemya. Ipinapasa ito sa mga konsyumer at napupunta lamang sa mga kompanyang nagsu-supply ng renewable energy (RE) sa bansa.
Ngayong panahon ng pandemya, dapat ay maging sensitibo ang pamahalaan sa mga uri ng singil na ipinapasa sa mga konsyumer. Dapat pag-aralan kung kapaki-pakinabang ba ito, o magiging pabigat lamang sa mga konsyumer.
Kontra rin ang LKI sa 2021 FIT-All application para sa pagtaas ng nasabing singil na nagkakahalagang P0.22 kada kilowatthour mula sa dati nitong presyo na P0.09 kada kWh. Plano rin ng grupo na humingi ng detalyadong ulat ukol sa ginawang pagkuwenta sa mga ibinayad sa mga kompanya ng RE.
Umaapela rin ang LKI ukol sa pagbasura sa anumang interbensyon ng mga kompanya ng RE na kinakatawan ng mga grupong DREAM at WEDAP sa 2021 FIT Allowance petition ng TransCo.
Magugunitang kusang-loob itong tumangging lumahok sa isinagawang pre trial conference ng nasabing petisyon.
Binigyang-diin ng LKI ang pangangailangan ng aksiyon ng ERC sa nasabing usapin. Dapat, aniya, ay gamitin ng ERC ang kapangyarihan nito upang hindi mahirapan ang mga konsyumer ng koryente.
Ako ay lubos na sumasang-ayon sa LKI na dapat ibasura ang pagtaas ng FIT-All. Kung maaari, ibasura na ito nang tuluyan. Ang FIT-All ay isang uri ng singil kung saan ang pera ng mga konsyumer na kanilang pinaghirapang kitain sa pamamagitan ng araw-araw na pagtatrabaho ay napupunta lamang sa mga kompanya ng RE.
Ngayong panahon ng pandemya, anumang uri ng singil na maaaring tanggalin o ibawas sa mga presyo ng pangunahing produkto at serbisyo ay maituturing nang malaking tulong upang mapagaan ang epekto ng pandemyang COVID-19 sa mga konsyumer. Dapat ay aksiyunan na ito ng ERC sa lalong madaling panahon.
466906 339361You completed a number of good points there. I did a search on the issue and located nearly all men and women will have exactly the same opinion with your weblog. 703366
204589 334149When I originally commented I clicked the -Notify me when new feedback are added- checkbox and now every time a remark is added I get four emails with exactly the same comment. Is there any approach you will be able to remove me from that service? Thanks! 98149
216994 917826If your real friends know you as your nickname, use that nickname as your initial name online. When you very first friend someone, focus on generating a individual comment that weaves connection. 250400
713080 758400I truly appreciate your piece of work, Excellent post. 941166