SA nakalipas na labing isang taon – nang sumubok makaipagsapalaran sa mundo ng pahayagan na maging salamin ng katotohanan at sa paglaon ay naging adbokasiya ang paggabay sa negosyo tungo sa pag-asenso ng ating mga kababayan nang maging unang tabloid sa negosyo hanggang sa modernong pahanon na masyadong advanced ang teknolohiya at pagdaanan pa ang pandemyang Covid-19 – nariyan pa rin kayo!
At dahil sa inyo, napukaw ang aming kamalayan na lalo pang pagbutihin ang aming tungkulin at serbisyo sa pamamagitan ng mga makabuluhang pamamahayag, paglalabas ng mga istoryang malaki ang maitutulong sa ating mga kababayan lalo na sa mundo ng pagnenegosyo at mapalawak ang aming plataporma sa pamamagitan ng broadcast at digital.
Dahil pa rin sa inyo, napakikinggan na rin kami sa radio dahil sa programang USAPANG PAYAMAN SA DWIZ 882 tuwing linggo mula alas dos hanggang alas tres nang hapon habang simulcast na mapapanood sa TV via Aliw Channel 23 na naka-live stream naman sa pamamagitan ng digital o social media ng DWIZ 882 at ng PILIPINO Mirror.
Napakalawak na ng ating naaabot dahil sa ating pagiging natatanging QUAD MEDIA (print, radio, TV at digital) sa ating hanay ng industriya ngunit patuloy pa rin humahanap ng ibang pamamaraan sa kung paano pa lalong makatulong sa ating mga kababayan.
QUAD MEDIA – PRINT
Sa loob ng labing isang taon, hindi na mabilang ang mga advertiser at sponsor na nagtiwala at patuloy na nagtitiwala. Marami na rin ang mga magagandang suplementong sinuportahan. Dahil na rin sa pagsusumikap na mapabuti ang paghahatid ng balita at makabuluhang istorya, apat na beses ginawaran ng parangal ng Gawad TANGLAW ang aming pahayagan na hindi na rin mabilang sa daliri ang mga awards at recognition mula sa iba’t ibang grupo at sangay ng gobyerno.
QUAD MEDIA – RADYO
Naka-isang taon na rin po ang radio program na USAPANG PAYAMAN SA DWIZ na live napakikinggan tuwing linggo, mula alas dos hanggang alas tres nang hapon. Dito naming pinag-uusapan ang mga mahahalagang pangyayari at nailabas na istorya sa sa aming pahayagan. Dito rin naming binibigyan ang ating mga kababayan na maipabatid ang kanilang mga serbisyo at programang makapagpapayaman ng kaalaman sa ating mga kababayan.
QUAD MEDIA – TV
Dahil na rin sa Usapang Payaman sa DWIZ, simulcast itong mapapanood sa free TV via Aliw Channel 23.
QUAD MEDIA – DIGITAL
At, dahil nasa digital era na tayo, bukod sa aming website na www.pilipinomirror.com at social media kagaya ng Facebook at iba pang social media app, ang Usapang Payaman sa DWIZ ay naka-live stream din kapag umeere na ito tuwing linggo.
MARAMING, MARAMING SALAMAT, PARTNERS!
Dahil sa inyo, patuloy kaming nakapagbibigay-serbisyo sa ating mga kababayan. Dahil sa inyo, patuloy kaming nakapagbibigay-trabaho sa aming mga kasamahan sa opisina at sa industriya ng pamamahayag. Dahil sa inyo, patuloy ang aming paggabay sa ating mga kababayan sa paghikayat na mag-negosyo at makapagbigay ng kaalamang pinansyal. At dahil sa inyo, naipababatid natin sa ating mga kababayan ang mga mahahalagang mensahe, produkto at serbisyo ninyo.
Kaya naman mula sa aming mga puso, maraming salamat sa patuloy na suporta…
International Terminal Container Services, Inc. (ICTSI),
Manila Electric Company (Meralco),
SM Group (SM Supermalls, SM Retail at SM Foundation),
San Miguel Corporation (SMC),
Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG Fund),
TeaM Energy Corporation,
Philippine Veterans Bank,
GMA Network, Inc.,
City Government of Navotas,
Coca-Cola Philippines,
Globe Telecom,
Mondelez Philippines,
Presidential Communications Office (PCO),
Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA),
Office of Senator Sonny Angara,
University of Perpetual Help System Dalta (UPHSD),
Office of House Speaker Ferdinand Martin Romualdez,
National Grid Corporation of the Philippines (NGCP),
Public Attorney’s Office (PAO),
Office of Senator Cynthia Villar,
Solane,
Quezon City Police District (QCPD),
Mr. D.I.Y.,
Office of Senator Lito Lapid,
Ping Ping Lechon,
Office of Senator Win Gatchalian,
Maynilad,
Office of Senator Bong Go,
AP Cargo,
Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth),
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR),
Smart / PLDT,
At sa mga pang advertiser na patuloy na nagtitiwala sa PILIPINO Mirror – Ang Unang Tabloid sa Negosyo at natatanging Quad Media sa kaniyang hanay.
At, maraming salamat din sa suporta ng pamunuan at bumubuo ng Filipino Mirror Media Group Corporation (publisher ng PILIPINO Mirror), kay Sir D. Edgard A. Cabangon, president & publisher, sa ALC Group of Companies at sa ALC Media Group.
-CRIS GALIT