(Usapang Payaman sa DWIZ882AM) KATATAGAN NG ISANG INA TAMPOK SA UPIZ882AM

ANG katatagan sa gitna ng mga pagsubok ang naging talakayan sa radio-TV-online show na Usapang Payaman sa DWIZ882am (UPIZ882am) kahapon, January 5. 2025.

Ang UPIZ882am ay handog ng PILIPINO Mirror at napapakinggan sa DWIZ882am at napapanood sa  Channel Aliw 23 at Digital TV gayundin sa social media, YouTube at Facebook page.

Tampok ang media practitioner na si Dr. Ma. Luisa “Baby” Macabuhay Garcia, Ed. D, dating school owner and administrator, Presidential PR writer, English teacher, and product endorser.

Bukod sa pagiging English teacher at  hanggang ngayon ay Leader ng Urban Poor si Dr. Garcia, na talagang pinagkakatiwalaan siya ng kanyang grupo sa Brgy. Commonwealth, Quezon City kaya laging hiling na maging presidente sa kanilang community.

TUTORIAL SERVICES TO CLASSROOM-TYPE TEACHING

Very Filipino ang estilo ng simula ni Dr. Garcia sa pagpapatakbo ng paaralan katuwang ang kaniyang mister na isang inhinyero.

Kuwento ni Dr. Garcia sa UPIZ882am, nagsimula siya sa tutorial services at nang umabot sa 15 ang kanyang tinuturuan, naisip niyang i-maximize ang oras   lalo na’t mayroon na siyang pamilya na kailangan din ang kanyang pag-aaruga.

Kinausap niya ang mga magulang ng mga batang kanyang tinuturuan at inirekomenda ang classroom-type na pagtuturo na pumayag naman.

Kinausap ni Dr. Garcia ang mister na igawa siya ng tables and chair sa puhunang P3,000 at naging tagumpay ang kanyang hakbang sa isang bahagu ng kanyang tahanan.

NAG-KLIK NANG MAKAPAGPABASA NG 3-YEAR OLD STUDENT

Pumatok ang pagtuturo ni Dr. Garcia sa estilong pang-classroom lalo na’t naturuan niyang bumasa ang 3-anyos na estudyante na kinalaunan ay naging sikat ang kanyang school, dumami ang mag-aaral kaya nagdagdag siya ng mga guro.

SOME GOOD THINGS NEVER LAST

Dahil bukambibig na ang kahusayan ng kanyang school, marami ang naengganyo na magtayo rin ng school sa kanilang lugar at maging ang public school ay nagkapondo para sa pasilidad.

Sinasabing kaya rin nila ang nagawang tagumpay ni Dr. Garcia at unti-unti na ang downtrend ng kasikatan ng kanyang school dahil nagkaroon na rin ng competition.

Pinaka-nagdulot ng dagok ang pagpasok ng COVID19 pandemic noong 2020 at isa ang kanyang paaralan sa nagsara.

RESILIENCE

Ang pagsasara ng paaralan ni Dr. Garcia ay isa lamang sa pagsubok na kanyang hinarap, dahil isa rin siyang thyroid cancer survivor.

At kahit nakabalik na rin sa media industry, limitado lang ang paglabas niya dahil kailangan din siya ng kanyang dalawang anak na mayroon special needs, at inamin ng ating Super Nanay na si Dr. Garcia na nakatutok siya sa kaniyang mga anak.

SA DIYOS ANG TIWALA

Sa mga oras na binabalikan ng ating bida ang mga hamon sa kaniyang buhay, mula sa pagsasara ng kanyang school, mga pangangailangan ng pamilya at mga anak gayundin ang pagkakasakit, ay napapausal na lamang siya ng pasasalamat dahil nakalampasa siya sa pagsubok.

Aniya, sa Diyos niya inilalagak ang lahat at susunod sa gabay niya.

“NASA IYO NA ANG LAHAT”

Si Dr. Garcia na dati ring editor sa isang pahayagan ay nagtapos AB Journalism sa University of Sto. Tomas; kumuha at cum laude Doctor of Education degree sa Manuel L. Quezon University, Ulirang Ina Awardee, Presidential PR Writer sa Duterte administration, product endorser at kasalukuyang konektado sa pahayagang ito, PILIPINO Mirror.

Eunice Calma-Celario

***

Ugaliing makinig at manood ng USAPANG PAYAMAN sa DWIZ 882am, 2-3PM tuwing Linggo, sundan din sa FB Pages DWIZ 882 at PILIPINO MIRROR at YT DWIZ 882. Ang mga host ay sina Cris Galit, Susan Cambri-Abdullahi at Eunice Calma-Celario.