Usaping Balarila at si Lope K. Santos

Salumpuwit nga ba ang Tagalog na salita sa silya? Hindi po. Hindi ito tinanggap ni Lope K. Santos, ang itinutu­ring na Ama ng Balarilang Pilipino. Inimbento lamang umano ito ng mga kritiko na ang tanging layon ay insultuhin ang Ba­larila ng wikang pambansa.

Pinapayagan ng Ba­larila ang pagsasa­nib ng mga salita kung totoong kinakailangan. Isang magandang ha­limbawa dito ay ang salitang Katarungan, mula sa tarung na salitang ugat mula sa Kabisayaan, na ang ibig sabihin ay karunungan (wisdom).

Ayon kay LKS, kinakailangan ang pagsasanib (coinage) dahil sa paggamit ng sa paggamit ng salitang Kastilang justicia ay nawawalan tayo ng kakayahang magkaroon ng orihinal na salita sa mga pundamental na konsepto ng demokrasya.

Ito rin ang dahilan kaya naimbento ang mga salitang tulad ng pandiwa, pang-abay, panghalip at iba pa bilang pamalit ng Balarila sa mga salitang Kastilang verbo, advervbi, pronombre (verbs, adverb, pronoun) upang magkaroon tayo ng pagkakakilanlan. Giniit ni LKS: hindi nararapat sa balarila ng isang salita ang manghiram ng mga terminolohiya. Ang batas sa pagsasanib ay: ang unang prayoridad ay laging Cebuano o Ilocano o iba pang wikang sinasalita ng mga Filipino. Pangalawa lamang ang Kastila, at ikatlo naman ang English. Mas binibigyang halaga ang salitang Kastila sa English dahil mas malapit ito sa ating pagbigkas, bilang ito ang ikalawang lenggwahe sa Pilipinas noong mga panahong iyon, bukod pa sa ang Filipino o Tagalog ay may pagkakahawig na sa Kastila at marami na rin tayong nahiram na salita dito.

Pandiwa, pang-abay, panghalip. Ito ang iginagalang na katawagan, at patuloy na ginagamit. Tulad nga ng paliwanag ni LKS, kailangan ang mga salitang ito at hindi ang posibleng gamit ng verbo, adverbio, at pronombre, na gustong pa­laganapin noon ng mga kastilaloy na nahihirapan daw sa terminolohiya ng Balarila. Kahit si Claro M. Recto na bihasa sa Ingles, Kastila, at Tagalog ay nagreklamo kay LKS, ngunit sinagot niya ito ng ganito: Don Claro, noong mag-aral ba kayo ng Kastila, madaling natutunan po ba ninyo ang bokabularyo ng gramatika? Napa­iling na lamang si Don Claro sa tanong, sapagkat ayon nga kay Santos, dapat magsarili ang wikang pambansa sa sariling katawagan kung ituturo ang gramatika o balarila nito. — Dr. Bayani Santos, Ph.D