BULACAN-DINALUHAN ng mga kawani ng pamahalaan ang pagdiriwang ng Malolos Congress nitong Biyernes ang umaga sa balwarte ng simbahan ng Barasoain sa Malolos City.
Sinalubong nina City Mayor Christian D Natividad at Vice Governor Alex Castro, ang panauhing pandangal na si President Pro Tempore Senador Loren Legarda na sa kanyang talumpati na sana’y magkaroon ng Cultural mapping ang lahat ng LGU na nakapaloob sa Cultural Maping Law na naipasa matapos ang dalawang dekada.
Hinimok din ng senadora, ang mga kawani ng pamahalaan na paigting ang programa sa pagpapalaganap ng Kasaysayan at Kultura.
Sa temang “Kongreso ng Malolos Saligan sa pagsulong ng nagbabagong panahon,”aniya, mayaman ang Pilipinas sa kasaysayan at kultura kung saan tinukoy nito na “Human Capital is the Wealth of the Nation.”
Habang nakiisa rin ang grupo ng Ceriaco Brigade Tiradores sa programa ng Malolos Congress bilang pagpapaalala sa mga kabataan ang makulay at masining na kultura ng mga Pilipino. THONY ARCENAL