USFDA BINAWI ANG BLOOD PRESSURE DRUGS DAHIL MAY POTENSIYAL NA MAKAKANSER

blood pressure

INANUNSIYO ng United States Food and Drug Administration (USFDA) ang boluntaryong pagbawi ng isang batch ng blood pressure drugs, matapos na ma­kitaan ito na nagtataglay ng isang component na potensiyal na maging dahilan ng pagkakaroon ng cancer.

Kasama sa binawi ang isang lot ng Losartan Potassium Hydrochlorothiazide Tablets matapos makita sa test na ito ay nagtataglay ng trace ng impurity na tinatawag na Nnitrosodiethylamine or NDMA, pahayag ng USFDA kamakailan.

“This impurity, which is a substance that occurs naturally in certain foods, drinking water, air pollution, and industrial processes, has been classified as a probable human carcinogen as per International Agency for Research on Cancer (IARC),” sabi sa anunsiyo.

Ayon sa USFDA, ang apektadong lot ay JB8912 na mayroon lamang na 100 milligram/25 milligram tablets sa 1,000-count plastic bottles, at ini-release ng United States.

“Distributors and retailers that have the product which is being recalled should immediately stop distribution of the identified lot above and quarantine any quantities remaining in your control and return the recalled product to the identified Reverse Distributor,” ang sabi pa.

“This product was distributed nationwide to distributors. The affected product was not distributed prior to October 8, 2018,” dagdag pa.

Ang Lozartan (100 mg) ay ibinebenta sa halos lahat ng botika sa bansa na nagkakahalaga  ng P16 hanggang P21 bawat tableta—depende sa manufacturer.

Ang 50 mg variety ay nagkakahalaga ng P10 hanggang P27 bawat  tableta, ayon sa isang sales clerk ng isang pangunahing Philippine drug store chain.

Sa isang hiwalay na report na naunang isiniwalat nitong Nobyembre, napansin ng CNN na may ilang gamot na nagtataglay ng valsartan na binawi na sa US dahil sa  “impurity” sa gamot na posible o may potensiyal na makakanser. Ang gamot ay ginagamit para sa high blood pressure at heart failure.

Ang “dumi”, NDMA, ay may klasipikasyon na mayroong  probable human carcinogen, base sa resulta ng lab tests, ayon sa report.

Kamakailan lamang kinontak ng ilang media entity ang mga opisyal ng Philippine Food and Drug Administration (FDA) para malaman kung gumawa na rin sila nang parehong aksiyon, o gagawin din para ipatupad sa bansa. Pero wala pang naisasasot hanggang ngayon.

Naipadala na rin ang text messages at tumawag na rin kay Health Secretary Francisco Duque III, at wala ring kasagutang natatanggap.

Ang naturang gamot ay kusang binawi ng Sandoz Inc., na niliwanag na wala pa silang natatanggap na report ng adverse events kaugnay ng lot, ayon sa paglathala ng kompanya na ipinost sa USFDA site.

Comments are closed.