USOK DINEDMA,  BAHAY NASUSUNOG NA PALA

Sunog

LA UNION – LABIS ang pagsisisi ng ilang residente sa hindi pagpansin sa pag-iyak ng bata dahik nakakita ito ng usok sa bahay ng isang biyuda sa kanilang lugar sa Brgy. Accao, Bauang.

Ang naturang bahay ay pag-aari ni Anastacia Huganan, 71-anyos.

Bago ang insidente, nakita umano nilang umiiyak ang isang bata na galing sa isang silid dahil may umuusok ngunit hindi umano nila ito pinansin kung saan kalaunan ay hindi na nila naapula dahil malakas na ang apoy.

Gayunman, nagpapasalamat ang mga nakatira sa bahay na walang nasugatan sa kanila.

Aabot sa P2 milyon ang danyos sa nasunog na bahay. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.