BAGAMAN ang paninigarilyo ang sanhi ng sakit sa puso, stroke, lung cancer at iba pang smoking-related disease, sinabi nina Dr. Colin Mendelsohn, associate professor sa University of New South Wales at Dr. Joe Kosterich, adjunct professor sa University of Western Australia, na ang sinunog na pinatuyong dahon ng tabako ang peligroso at nakamamatay.
Paliwanag ng dalawang Australian doctors na dahil ang sinunog na dried tobacco leaf ay nagpo-produce ng nakalalasong usok gaya ng carbon monoxide, formaldehyde at cyanide na nalalanghap ng smoker o taong naninigarilyo.
Sina Mendelsohn, na medical practitioner at tobacco treatment specialist at chairman ng Australian Tobacco Harm Reduction, at Kosterich, book author, media presenter at health industry consultant, ay pawang nagsusulong na mabawasan ang nabibiktima ng tobacco.
Gayunman, naniniwala sila na ang nicotine ay sanhi ng addiction para manigarilyo subalit ligtas ito na mayroon lamang maliit na health effects.
Anila, kung ikukumpara ang tobacco smoking sa E-Cigarette, mas ligtas ang huli ng 95% na sinangkapan ng nicotine upang mapanatili ang ginhawa o nais ng mga naninigarilyo sa pamamagitan naman ng vaping.
“Nicotine is relatively harmless with minor health effects. E-cigarettes give users the same hand-to-mouth behavior and the nicotine they want—the whole cigarette smoking experience but without the harm. Moreover, the nicotine addiction with vaping is not as strong as that with cigarettes,” ayon kay Mendelsohn.
Noong June 14 hanggang 16 ay nakapanayam ng mga Filipino reporter sina Mendelson at Kosterich sa 5th Global Forum on Nicotine sa Warsaw, Poland kung saan nilinaw nila na ang usok mula sa dried tobacco leaf ang siyang nagdudulot ng nakalalasong kemikal habang ang vaping gamit ang E-cigarettes ay ligtas.
Payo naman ni Mendelsohn sa mga kumokonsulta sa kanya para huminto sa paninigarilyo, una munang tanggapin ang treatment, professional counselling at medications gaya ng nicotine therapy (NRT).
Sa datos, mayroong 240,000 vapers sa Australia na mayroong prescription mula sa doktor at nakabibili ng liquid nicotine sa e-cigarettes online at inaangkat sa ibang bansa o kaya naman ay nabibili sa local black market.
Gayunman, karamihan aniya sa mga doktor ay hindi nagbibigay ng prescription na mag-switch sa E-cigarette dahil hindi pa ito aprubado ng Australian Medical Association, iba pang mga dalubhasa at maging ang kanilang gobyerno.
Naniniwala rin ang dalawang dalubhasa na panahon na para ma-educate ang mga doktor na mas harmless ang e-cigarettes kaysa paninigarilyo ng tobacco.
Itinuturing naman na nangunguna ang Australia sa tobacco control na bumaba lamang ang bilang ng tobacco smoker ng 10% sa loob ng 20 taon.
Magtatagumpay, aniya, ang kampanya laban sa tobacco smoking kung magiging legal na sa nasabing bansa ang vaping bilang alternatibo sa paninigarilyo. EC
Comments are closed.