USOK NG SIGARILYO, AT HINDI NICOTINE, ANG MAPAMINSALA SA KALUSUGAN

INIHAYAG ng mga eksperto na ang tunay na dahilan ng pagkakasakit o pagkamatay ng mga naninigariyo ay dahil sa usok dulot ng sinunog na tabako at hindi nicotine.

Tinukoy ng dalawang cancer experts, ang pagsisindi ng tabako at paglanghap ng usok nito ay mapanganib sa kalusugan ng tao.

Ayon kay Dr. Peter Harper, isang oncologist sa Guy’s and St. Thomas Hospital sa London, naninigarilyo ang mga tao para sa nicotine, pero namamatay dahil sa usok mula sa pagliliyab ng tabako na may init na lagpas sa 350 degree Celsius.

Sinabi ni Dr. Harper na ang pagniningas ng tabako ay nag-iiwan ng usok at abo na may mga toxic o mapanganib na chemicals. Ang mga ito ang sinasabing sanhi ng sakit sa baga at cancer.

Sinang-ayunan ito ni Dr. David Khayat, isang professor ng Oncology sa Pierre et Marie Curie University sa Paris, na nagsabing ang nicotine ay hindi pinagmumulan ng cancer.

Ang mga manggagamot, aniya, ay nagrereseta pa nga ng nicotine replacement therapy o NRT para makatulong na umiwas sa paninigarilyo. Nicotine ang pangunahing sangkap ng NRT.

Samantala, ang pagkakalantad sa carcinogen mula sa usok ng sigarilyo ang totoong sanhi ng cancer, sabi ni Dr. Khayat. Ang mas mataas ng exposure sa carcinogen ay nagbibigay ng mas malaking panganib sa pagkakaroon ng cancer, dagdag pa niya.

Para maiwasan ang cancer at sakit sa baga, pinayuhan nina Dr. Harper at Dr. Khayat ang mga naninigarilyo na pag-aralan ang konsepto ng tobacco harm reduction or THR.

Ang THR ay nagsusulong sa paggamit ng mga modernong produkto na hindi gumagamit ng apoy at hindi lumilikha ng usok na nakakasama sa kalusugan. Ang ilan sa mga alternatibong produktong ito ay electronic cigarettes at heated tobacco products o HTP na hindi gaanong nakakapinsala sa katawan dahil hindi sila gumagamit ng apoy katulad ng sigarilyo para pakawalan ang nicotine.

Itinuturing din ng mga dalubhasa ang THR na mas mabisang public health strategy para bigyan ang mga naninigarilyo ng mas mainam na alternatibo kaysa pagsusunog ng sigarilyo. Tinutulungan din nito ang mga smokers na bitawan ang paninigarilyo at lumipat sa alternatibong produkto tulad ng e-cigarettes at heated tobacco products.

Pinuri naman nina Dr. Harper at Dr. Khayat ang Pilipinas, lalo na ang Kongreso, sa pagsasabatas ng Vape Law noong July 2022 para sa tamang regulasyon ng vape at heated tobacco products sa bansa.

Tinatayang may 14 milyong Pilipino ang naninigarilo, ayon sa Global Adult Tobacco Survey noong 2021. Ibinunyag ng natural pag-aaral na tanging 3.9 porsyento ng mga naninigarilyo sa bansa ang matagumpay na huminto sa paninigarilyo, samantalang karamihan ay nanatiling bihag ng sigarilyo. Ito ay nagpapakita ng kawalang bisa ng mga kasalukuyang smoking cessation strategies, ayon sa mga dalubhasa.

Gayunman, ang pagpapakilala ng e-cigarettes at heated tobacco products sa merkado ay nagpakita ng malaking pagbaba sa bilang ng mga smokers sa iba’t ibang bansa.

Halimbawa, ang paggamit ng heated tobacco products , na ginagamitan ng init na hindi lalagpas sa 350 degrees Celsius, ay hindi lumilikha ng usok. Dahil walang nangyayaring pagkasunog, ang exposure sa toxic chemicals dahil sa paggamit ng HTP ay sinasabing mas mababa ng 95 porsyento kaysa pagsindi ng sigarilyo, sabi ni Dr. Harper.

Dagdag naman ni Dr. Khayat, nagbibigay din ng kaparehong nicotine level ang heated tobacco products kumpara sa tradisyonal na sigarilyo. Ang pagiging mas ligtas at epektibong alternatibo sa sigarilyo ang sinasabing dahilan kung bakit milyun-milyong smokers sa Japan ang nakumbinsing lumipat sa heated tobacco products mula sa sigarilyo.

Ang Japan ang may pinakamataas ng paggamit ng heated tobacco sa buong mundo, ayon sa pagsasaliksik ng Philip Morris International. Ang pinaka popular na HTP brand sa Japan ay IQOS na gawa ng PMI.

Sinabi ng PMI na ang pagtaas ng paggamit ng heated tobacco products sa Japan ay nagpababa sa bilang ng mga naninigarilyo sa naturang bansa. Sa ngayon, halos isa sa tatlong dating smokers sa Japan ang lumipat na sa heated tobacco.

Pinatunayan ito ng Japanese National Health and Nutrition Survey na nagpapakita ng malawakang pagbaba ng smoking prevalence sa Japan makaraang ipakilala ang heated tobacco products sa merkado. Noong 2019, bumaba sa 13 porsyento ang smoking prevalence sa bansa, mula sa 20 porsyento noong 2014 bago ipakilala ang heated tobacco products.

Sa Estados Unidos, pinayagan na din ng Food and Drug Administration (FDA) noong Hulyo 2020 ang marketing ng IQOS bilang modified risk tobacco product (MRTPs) na may mas mababang panganib sa kalusugan kumpara sa sigarilyo.

Pinayagan ng FDA ang pagpapakilala sa IQOS bilang produkto na gumagamit ng init, pero hindi umaabot sa pagkasunog ng tabako. Dahil dito, higit na mababa ang mga mapinsalang chemicals na idinudulot ng IQOs kumpara sa sigarilyo.