PINALAWAK ng Universal Storefront Services Corporation (USSC), isang financial services store network sa bansa at ng Western Union, lider sa cross-border, cross-currency money movement, ang digital money transfers sa Filipinas sa pagsasana ng Western Union money transfer service sa loob ng USSC Super Service mobile app, na nagbibigay ng madaling serbisyo sa mga kostumer gamit ang kanilang cellphones.
Ang pagsasama ng Western Union ng global cross-border money transfer service sa USSC mobile app technology ay magbibigay-daan sa mga kostumer sa Filipinas na makapagpadala at tumanggap ng pera papunta at mula sa mahigit na 200 bansa at teritoryo mula sa kanilang mobile phones at tablets. Ang USSC ang unang ahente ng Western Union sa bansa na naghandog ng omni-channel platform na nagbibigay ng parehong digital money transfer services sa pamamagitan ng mobile app at retail money transfer services sa mahigit na 1,300 lokasyon.
Ang USSC Super Service app ay nagtataglay ng electronic Panalo Wallet, na nagbibigay sa kostumer para madaling makapag-store ng pondo, tumanggap o magpadala ng, remittances via Western Union. Pinapayagan din nito ang mga kostumer na magbayad ng bills, mag-top-up sa mobile phones at bumili ng USSC Budget Insurance para sa proteksiyon at emergency.
“The launch of the USSC Super Service app is part of the company’s objective of providing more convenience to our customers through a secure app. Our customers can now enjoy the products and services we offer, such as Western Union money transfer services, without having to leave their home or office. Opening a Panalo Wallet with USSC along with the app, provides customers more prudent financial management and enhanced financial inclusion. With the wallet, the app, and the power of technology, we hope to bring customers the best service possible,” pahayag ni Ziggie Gonzales, Chief Marketing Officer ng USSC.
Ayon sa World Bank’s Migration and Remittances Brief 29[1], ang Filipinas ang nananatiling nasa top three remittance receiving countries noong 2017.
“Everything will be digitized, even at the store level. Customers can choose how they want to transact. With the USSC Super Service mobile app, we think we will help improve customer lives through convenience and security,” dagdag ni Tony Cuarteros, USSC’s Chief Information Officer.
Ang paglulunsad ng serbisyong ito ay bahagi ng digital transformation ng dalawang kompanya para siguruhin ang customer service ay natutugunan. Habang patuloy ang USSC na nakapokus sa pagpapalaki ng teknolohiya para mapabuti ang digital customer experience, nakapokus ang Western Union sa pagtatayo ng kinabukasan para sa cross-border money movement at pagpapatuloy ng pagbabago.
“As one of the most digitally savvy countries in the world, the Philippines has rapidly embraced technology. With this service launch, we are delighted to provide customers with the option of digital money transfer services in addition to transacting using the wide network of Western Union Agent locations across the Philippines. We believe this collaboration with USSC will provide a convenient, always-on channel for international and domestic money transfers,” sabi naman ni Jeffrey Navarro, Western Union, Country Director, Philippines.
CUSTOMER GUIDANCE
Libre ang pag-sign up sa Panalo Wallet. Para sa kostumer na 12 taon at pataas, magdala lang ng isang valid ID sa pinakamalapit na USSC Super service store at mag-fill up ng application form at picture, at fingerprint capture.
Para makuha ang cash, puwedeng pumunta ang kostumer sa alinmang USSC store at mag-withdraw ng cash o mag-transfer ng pondo sa USSC Cash Card at mag-withdraw ng pera sa ATM. Ang money transfers sa wallet ay puwedeng ipadala sa ibang Panalo Wallets Philippines o mag-pay out ng cash sa alinmang 525,000 Western Union Agent locations sa buong mundo o sa bank accounts sa mga piling bansa.
Ang “USSC Super Service” app ay kasalukuyang Google Play for Android, PC and Windows, at iTunes para sa iPhone, iPad, o iPod Touch users. Consumers can learn more about the app on www.ussc.com.ph, www.facebook.com/ussc.philippines, by calling (02)449-3888, or writing to [email protected].
Comments are closed.