UST CHESSERS UMATUNGAL

WALANG dungis ang defending men’s champion University of Santo Tomas sa first round, tampok ang 3-1 win labam sa Far Eastern University sa UAAP chess tournament nitong Linggo sa FEU Tech Gym.

Ang Growling Tigers ay mayroon ngayong 9 match points, na nagmula sa apat na panalo at isang draw matapos ang fifth round.

Pumangalawa ang Ateneo na may 7 match points, kasunod ang University of the Philippines na may 5 match points, kung saan ang Fighting Maroons ay may superior tiebreaker laban sa Tamaraws.

Naitala ng Blue Eagles ang 4-0 shutout win kontra Adamson.

Nagkasya naman ang UP sa 2-2 stalemate sa La Salle.

Sa women’s division, tinapos ng titleholders National University ang first round sa ikalawang puwesto sa likod ng FEU.

Naitakas ng Lady Bulldogs ang 3-1 win kontra Tigresses sa seventh round upang umangat sa 9 match points, tatlong puntos sa likod ng 12 ng Lady Tamaraws.

Ginapi ng La Salle ang Adamson, 2.5-1.5, upang kunin ang ikatlong puwesto na may 6 match points, nakopo ng Ateneo ang ikalawang panalo laban sa UP, 3-1, upang manatili sa fourth na may 5 match points.