UTAK NG SCAM SA PHILHEALTH PARUSAHAN

SEN-BONG-GO

NAIS ni Senator-Elect Bong Go na parusahan sa lalong madaling panahon ang mga taong nasa likod milyon-milyong scam o “ghost claims” sa PhilHealth.

Sinabi ni Bong Go, nakakagalit na may iilang indibidwal ang ibinubulsa ang pera ng bayan na dapat sana ay magamit ng mga mahihirap at maysakit na pamilya.

Nanawagan ang senador ng mabilisang imbestigasyon at tukuyin ang mga taong nasa likod ng “scam”.

Aniya, nakadidismaya na may mga taong walang malasakit sa kapwa na pati ang perang nakalaan sa mga maysakit na mahihirap ay “dinarambong” pa.

Ayon sa kanang kamay ng Pangulong Rodrigo Duterte, sa halip na mapunta sa mga kapuspalad na pasyente ang pera ay ibinulsa pa ng mga kawatan.

Naniniwala ang senador na may kasabwat sa loob ng PhilHealth sa nabunyag na 100-milyong claim ng mga “fictitious” o pekeng pasyente.

Tiniyak ng senador ng na may “ulong gugulong” at magkakaroon ng re-shuffle sa lahat ng opisyal at tauhan ng PhilHealth dahil sa nabunyag na ano­malya.

Comments are closed.