VALENZUELA CITY – KULUNGAN ang binagsakan ng isang binata na may kapansanan sa pagsasalita matapos ireklamo ng panghahalay sa 4-anyos na batang babae, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. David Nicolas Poklay ang naarestong suspek na si alyas Leon ng Canumay East na nahaharap sa kasong statutory rape sa Valenzuela City Prosecutor’s Office kasunod ng isinampang reklamo ng mga magulang ng biktimang itinago sa pangalang “Lorena” kontra sa kanya.
Sa imbestigasyon ng Valenzuela Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD), alas-12:45 ng hapon, nakita ng mga kaanak ng biktima na tumatakbo at umiiyak ang bata habang papalabas sa banyo ng compound ng kanilang bahay sa D. Bonifacio na walang suot pang-ibaba.
Tumakbo ang bata patungo sa kanyang tita na si Cristina, 45, nang mapansin ang isang bagay na malagkit sa puwit ng biktima na naging dahilan upang maghinala ito na ginawan ng kahalayan ang kanyang pamangkin.
Pagkatapos suriin ni Cristina at ng pinsan nito na si Teodora ang ari ng kanilang pamangkin, agad silang humingi ng tulong sa mga kapitbahay na sinabi sa kanila na ang huling nakitang kasama ng biktima ay si Jayoma na nakitang tumatakbo palayo sa compound.
Agad na humingi ng tulong ang mga magulang ng biktima sa mga opisyal ng Brgy. Canumay West na nagresulta sa pagkakaresto suspek, habang ayon kay Col. Poklay na ang narekober na ebidensya ay isusumite sa PNP Crime Laboratory sa Camp Crame para sa DNA Examination. EVELYN GARCIA
Comments are closed.