PAYAMAN MINDSET ni IRENE GONZALES
MIKI ang negosyo ng mag-asawang Hermeneguildo o Rey at Maria Saluyon ng Linao East, Tuguegarao City.
Taong 2008 nang simulantnila ang maliit na negosyo na paggawa ng Miki.
Ang kaalaman sa paggawa ng Miki ay mula kay Mang Rey at ang kanyang pinsan.
Kinalaunan, kasama ang buong amag-anak ay matiyagang gumagawa ng miki katuwang ang kanilang dalawang anak.
Sa pagtitiyaga ay unti-unting lumaki ang kanilang produksyon kaya kinailangan nila na magkaroon ng mga tauhan.
DAGDAG PUHUNAN
Kapag dagdag produksyon, dapat dagdag panggastos din upang magkaroon naman ng dagdag kita.
Kaya naman sa tulong Card MRI, nakapag-loan sila para sa kanilang ng puhunan at hindi naman sila nabigo dahil lumago ang kanilang pagawaan ng Miki.
Ngayon ay anim katao ang kanilang trabahador.
TUMULONG SA KAMAG-ANAK
Ang kanilang mga trabahador ay hindi naman malayo sa kanila sapagkat pinsan at mga bayaw na din nila ang mga ito
Ayon sa kanilang mga trabahador, malaking tulong sakanilang pamilya na araw- araw silang gumagawa ng Miki at nagpapasalamat din sila sa mag asawa dahil natutunan nila ang pag gawa ng pansit
Ayon pa sa mag-asawang Saluyon, sa kanilang hanap buhay ay at naka pagtapos na ang kanilang mga anak at may sarili na ring pamilya.
Sa ngayon bukod sa paggawa ng miki na nagagawa nila na umaabot sa 10 sacks ng arina araw-araw dahil sa rami ng nag-oorder ng gawa nilang miki ay may sarili ng pansitan na Batil Patong at Pansit Cabagan na rin ang kanilang anak at ito ay dinadayo na din dahil sa masarap na lasa ng kanilang niluluto
Sinabi pa ni Aling Maria ay nasa P100,000 na ang kanilang nautang sa card MRI at ito ay upang mas maluwang ang gawaan nila ng Miki at mapanaitili ang kalinisan ng paligid.