UTANG NG PH LUMOBO SA P10-T NOONG OKTUBRE

Bureau of the Treasury

PUMALO sa P10.03 trillion ang utang ng Filipinas hanggang noong katapusan ng Oktubre, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).

Mas mataas ito ng P658.81 billion o 7.03 percent kumpara noong nakaraang buwan.

Ang outstanding debt ay mas mataas din ng  P2.12 trillion o 26.8 percent kumpara sa kaparehong buwan noong 2019.

Ang gobyerno ay patuloy na umutang mula sa domestic at foreign institutions para pondohan ang COVID-19 response ng bansa.

Mula Enero hanggang Oktubre, ang domestic debt ay lumobo ng P1.9 trillion, habang ang foreign debt ay tumaas ng P346.64 billion.

Nakakuha rin ang pamahalaan ng P540-billion loans mula sa  Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ginamit sa pagtugon sa pandemya.

Sa datos mula sa Department of Budget and Management (DBM), ang utang ng bansa ay aabot sa P10.16 trillion sa Disyembre.

Comments are closed.