UTANG NG PINAS LUMIIT (P14.27-T noong Setyembre)

BAHAGYANG bumaba ang utang ng Pilipinas hanggang sa pagtatapos ng September 2023, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).

Sa datos na inilabas ng BTr nitong Martes ay lumabas na ang kabuuang utang ng bansa ay nasa P14.27 trillion, bumaba ng 0.6% o P80.9 billion mula sa P14.35 trillion na utang na naitala noong katapusan ng August 2023.

Ayon sa Treasury, ang month-on-month decline ay dahil sa net repayments ng domestic at external obligations para sa buwan.

Karamihan o 68.2% ng utang ng pamahalaan ay domestic debts, habang ang nalalabing 31.8% ay nagmula sa foreign borrowings.

Ang domestic debt ng bansa ay nasa P9.73 trillion, bumaba ng 0.6% o P56.77 billion mula sa P9.79 trillion na naitala noong Agosto.

Ang pagbaba sa local debt ay dahil sa “net redemption ng government securities.”

“This, as domestic debt issuance for the month totaled P121.1 billion while redemption or repayment amounted to P177.9 billion, resulting in a net repayment of P56.8 billion,” ayon sa BTr.

Samantala, ang external debt ng bansa ay umabot sa P4.53 trillion hanggang sa pagtatapos ng September 2023, mas mababa ng 0.5% o P317.87 billion kumpara sa P4.56 trillion foreign debt na naitala noong Agosto.

Paliwanag ng Treasury, ang mas mababang external debt stock noong Setyembre ay bunga ng “paborableng third currency fluctuations at net repayment of foreign loans.”

“The outstanding external debt for September was reduced by P8.0 billion due to the net repayment of foreign loans and P16.9 billion from the depreciation of third currencies against the US dollar,” dagdag ng BTr.