BUMABA ang utang ng pamahalaan ng 0.9 percent sa P15.55 trillion noong Agosto.
Sa datos na inilabas ng Bureau of the Treasury (BTr) nitong Martes, sa kabuuang utang, 69.40 percent ang domestic securities habang 30.60 percent ang external obligations.
“This decline was primarily attributed to the revaluation effect of peso appreciation and the net repayment of external debt,” ayon sa BTr.
Ang domestic debt ay nagkakahalaga ng P10.79 trillion, bahagyang tumaas mula P10.75 trillion noong Hulyo, dahil sa pag-iisyu ng government securities na nagkakahalaga ng P45.05 billion.
Samantala, ang external debt ay bumaba ng 3.6 percent sa P4.76 trillion.
Ayon sa BTr, ang pagbaba ay dulot ng paglakas ng piso, na nagpaliit ng P194.90 billion, gayundin ng net repayments ng P4.17 billion. ULAT MULA SA PNA