NABAWASAN ang utang ng Filipinas ng mahigit P200 billion hanggang noong katapusan ng Setyembre 2020 makaraang bayaran ng gobyerno ang ilan sa state short-term borrowings nito, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).
Sa datos ng BTr, ang outstanding public debt ay nasa P9.37 trillion para sa naturang buwan, mas mababa ng month P246.2 billion kumpara sa August tally.
Karamihan sa loans ay nagmula sa domestic lenders kung saan ang unpaid loans ay nagkakahalaga ng P6.44 trillion, mas mababa ng 4.1 percent noong Agosto.
Ang pagliit ng utang ng bansa ay dahil sa repayment ng short-term borrowing mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) bilang bahagi ng repurchase agreement.
Magugunitang pinautang ng BSP ng P300 billion ang pamahalaan noong Marso sa pamamagitan ng pagbili ng securities mula sa BTr para palakasin ang suporta sa mga programa laban sa pagkalat ng COVID-19.
Gayunman, ang domestic loans tally ay tumaas ng P1.18 trillion mula sa September 2019 tally dahil sa pagtaas sa issuance ng Treasury bonds at bills sa layuning magkaroon ng dagdag na cash sa gitna ng pandemya.
Ang bansa ay umaasa sa pangungutang upang matustusan ang recovery program sa harap ng pagbagsak ng tax collections dahil sa limitadong mga ne-gosyo at economic activity.
Samantala, 31 percent o P2.93 trillion ng unsettled accounts ay inutang sa ibang bansa. Mas mataas ito ng P28.49 billion kumpara noong Agosto at ng P280.57 billion kumpara noong nakaraang taon.
“For September, the increment to the external debt portfolio was attributed to the ₱33.22 billion net availment of external loans,” ayon sa BTr.
Comments are closed.