UTANG NG PINAS LUMOBO SA P11.64-T

Erick Balane Finance Insider

ANG pinakamalaking utang ng bansa na nagkataong naitala sa panahon ng panliligalig ng COVID-19 ay naitala sa P11.64 trilyon na posibleng umabot pa sa P13 trilyon  sa 2022.

Nahigitan nito ang dating record-high national government debt na P11.61 trilyon noong Hunyo 2021 na naitala sa pagtaas ng borrowings ng gobbyerno para mapunan ang mga pangangailangan sa pandemic response.

“For the month of August, the (National Government’s) total debt increased by 32.05 billion or 0.28% due to domestic debt issuance as part of government financing,” pahayag ng Bureau of the Treasury (BOT).

Ayon sa BTr, kung hahatiin ang utang ng bansa, ganito ang magiging itsura nito — utang panloob ay P8.22 trilyon, habang ang utang panlabas ay P3.42 trilyon.

Kung susumahin, mas malaki ng  P100.7 bilyon o 1.2%  ang domestic debt sa nabanggit na panahon kumpara noong Hunyo 2021 na resulta ng ‘net issuance’ ng government securities.

Makikita sa nasabing figure na nabawasan naman ng P68.55 bilyon o katumbas ng 2% na mas maliit ang external debt kumpara sa nakaraang buwan. Bumaba ito sanhi ng debt repayment ng foreign loans na nasa P34.22 bilyon.

Ayon sa BTr, “year-to-date growth in domestic obligations amount to P1.53 trillion or 22.79% from the beginning of the year. (National Government) external debt has increased by P321.90 billion or 10.4% from the end-December 2020 level.”

Magugunita na buwan ng Agosto nang itaya ng gobyerno ang posibilidad na pumalo sa P13 trillion mark ang outstanding debt ng Pilipinas sa taong 2022. Ang bagay na ito ay pumupuwersa sa gobyerno na bagalan ang paghiram ng salapi mula sa mga lokal at dayuhang financiers ng halos 20% sapagkat  indikasyon ito na ang gobyerno ng Pilipinas ay baon na sa utang.

Tanging ang Bureau of Intrernal  Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) ang inaasahan ng Palasyo na tututok sa paghagilap ng malaking pondo para matugunan ang lahat ng pangangailangan ng bansa mula sa inprastraktura, kalusugan, pagkain at iba pang makabuluhang government projects.

Ang BOC, ayon mismo kay Commissioner Rey Guerero, ay natugunan na ang iniatang na tax collection goal at inaasahang madaragdagan pa ito bago ang pagtatapos ng Disyembre 2021.

Sa BIR, ayon kay Commissioner Caezar ‘Billy’ Dulay, buwan pa lamang ng Nobyembre ay halos kuha na ng Kawanihan ang kanilang target tax collections at madaragdagan pa ito sa pagtatapos ng taong 2021.

Kasama sa Top 10 Regional Directors  sina Florante Aninag ng CaBaMiRo (Cavite-Batangas-Mindoro-Romblon); Greg Buhain, LaQue-Mar (Laguna-Quezon-Mariduque); Albino Galanza, Quezon City; Gerry Dumayas/Corazon Balinas ng Caloocan City; Edgar Tolentino, ng East NCR; Eduardo Pagulayan, Jr./Saripoden Bantog ng South NCR; Maridur Rosario, ng Makati City; Jethro Sabariaga ng City of Manila; Emir Abutazil, ng Cagayan De Oro City; at Glen Geraldino ng Cebu City.

Kasama naman sa ‘overall topnotchers’ sina Revenue District Officers Rufo Ranario (East Makati), Bethsheba Bautista (West Makati), Federico Pilarca (North Makati), Joe Soriano (South Makati), Deogracias Villar, Jr. (Pasig City), Cynthia Lobo (Mandaluyong City), Abdullah Bandrang (Marikina City), Rodel Buenaobra (Novaliches), Arnulfo Galapia (North QC), Antonio Ilagan (South QC), Alma Celestial Cayabyab (Cubao QC), Antonio Mangubat, Jr. (East Bulacan),  Jefferson Tabboga (West Bulacan), Timm Renomeron (Caloocan City), Teresita Lumayag (Binondo), Emilia Combes (Tondo) at iba pa.

Ang paglobo ng utang ay siya ring sanhi ng pagtaas ng GDP ng Pilipinas na sumasalamin sa kakayahan ng isang ekonomiya para bayaran ang mga obligasyon nito sa 54.6 porsiyento noong 2020 mula sa record low na 39.6 porsiyento noong  2019.

Sa pagtatapos ng Setyembre, ang utang sa GDP ay higit na tumaas sa 63.1 porsiyento at ito ay itinuturing ng mga ahensiya ng credit rating na kayang pamahalaan sa pag-usbong ng merkado.

Ang ratio ng utang ay inaasahang magtatapos sa 2021 sa 59.1 porsiyento hanggang 60.8 porsiyento sa 2022. Ang bahagi ng utang sa ekonomiya ay inaasahang bababa sa 60.7 porsiyento sa taong 2023 at 59,7 porsiyento naman sa taong 2024.

Ang natitrirang utang ng pambansang pamahalaan ay tataas pa sa record na P13.42 trilyon sa pagtatapos ng 2022 mula sa P11.73 trilyon sa pagtatapos naman ng taong ito.

vvv

(Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa 09266481092 o mag-email sa [email protected])