UTANG NG PINAS LUMOBO SA P15.017-T

LUMAKI ang utang ng Pilipinas noong Abril kasunod ng paghina ng piso at ng net financing ng pamahalaan sa naturang buwan, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).

Ang utang ng bansa ay nasa P15.017 trillion hanggang noong katapusan ng Abril, mas mataas ng 0.61% kumpara sa P14.925 trillion noong Marso, at ng 7.95% sa P13.911 trillion na naitala noong end-April 2023.

This is due to government net financing and the impact of local currency depreciation on the valuation of foreign-currency-denominated debt,” ayon sa BTr.

Sa kabuuang utang ng bansa, 31.36% ang external debt, na katumbas ng P4.708 trillion, tumaas ng 30% mula P4.648 trillion noong Marso, at 5.74% mula P4.453 trillion noong nakaraang taon. Binubuo ito ng P2.251 trillion na loans, at P2.457 trillion na external debt securities.

“Although there was a net repayment of P32.91 billion in foreign loans within the month, the considerable depreciation of the peso caused a P109.31 billion upward adjustment in the local valuation of US dollar-denominated debt,” sabi ng  BTr.

Samantala, ang domestic debt ay bumubuo sa 68.64% o P10.308 trillion, tumaas ng 0.30% mula  P10.277 trillion noong Marso at ng 8.99% mula P9.457 trillion noong 2023.

Malaking bahagi o P10.308 trillion ng domestic debt ay kinabibilangan ng government securities, habang ang nalalabing P0.16 trillion ay sa pamamagitan ng loans.