UTANG NG PINAS LUMOBO SA P8.6-T

BTr

PUMALO na sa  P8.6 trillion ang utang ng Filipinas hanggang noong katapusan ng Abril, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).

Mas mataas ito ng 10.4 percent sa P7.787 trillion debt na naitala sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon, at  1.5 percent sa P8.477 trillion na naiposte noong Marso.

Ayon sa BTr, mula Enero hanggang Abril, ang utang ng bansa ay tumaas ng 11.2 percent o P869 billion.

Sa total outstanding debt, 33 percent o P2.737 trillion ay nagmula sa external sources habang 67 percent o P5.863 trillion ang inutang sa domestic creditors.

“Since the start of the year, domestic debt has increased by P735.92 billion or 14.4 percent as a result of net debt issuance and the short-term borrowing from Bangko Sentral ng Pilipinas,” ayon sa BTr.

Samantala, ang foreign debt ng bansa ay lumobo ng P133 billion o 5.1 percent magmula nang mag-umpisa  ang taon.

“For April, net availment of external loans amounted to P87.34 billion as part of the government’s effort to raise concessional financing to address the 2019 coronavirus disease (COVID-19) pandemic,” anang Treasury.

Comments are closed.