UTANG NG PINAS NABAWASAN, P11.93 TRILLION NOONG NOBYEMBRE

Bureau of the Treasury

BAHAGYANG bumaba ang utang ng Pilipinas, ayon sa datos na inilabas ng Bureau of the Treasury (BTr).

Hanggang katapusan ng Nobyemnbre ngayong taon, ang outstanding debt ng bansa ay P11.93 trillion, bumaba ng 0.3% mula sa P11.97 trillion noong Oktubre 2021.

Gayunman, ang end-November 2021 debt stock level ay mas mataas ng 17.7% kumpara sa P10.13-trillion debt level na naitala sa kaparehong panahon noong  2020.

Year-to-date, ang total running debt balance ay tumaas ng P2.136 trillion o ng 21.8%.

Ayon sa BTr, ang bahagyang pagbaba ay dahil sa net redemption ng domestic securities at paborableng foreign exchange rates.

Ang total debt ng pamahalaan ay kinabibilangan ng domestic borrowings sa 70.7%, habang ang nalalabing 29.3% ay mula sa external sources.

Finance Secretary Carlos Dominguez III earlier defended the uptick in the country’s programmed debt, which is expected to hit the internationally recommended threshold of 60% proportion of gross domestic product by 2022.

Ang domestic debt ng pamahalaan ay nasa  P8.44 trillion, mas mababa ng 0.3% kumpara sa  end-October 2021 level na P8.468 trillion na resulta ng  net redemption ng government securities.

Samantala, ang foreign debt ay nagkakahalaga ng P3.49 billion, bumaba ng 0.4% mula sa P3.5-trillion na naitala noong end-October ngayong taon.

“The lower external debt for the month was attributed to the Philippine peso’s appreciation against the US dollar and other foreign currencies adjustments amounting to P11.64 billion and P4.05 billion, respectively,” ayon sa BTr, at sinabing lumakas ang piso laban sa dolyar mula P50.552:$1 hanggang end-October sa P50.384:$1 hanggang end-November.

“This more than offset the net availment of external obligations amounting to P2.90 billion,” dagdag ng BTr.