UTANG PANLOOB AT PANLABAS NG PINAS

Erick Balane Finance Insider

SA pinakahuling ulat, ang utang ng Pilipinas ay umaabot na sa P14.51 trilyon bago pa matapos ang taong 2023.

Ito ang itinuturing na pinakamataas sa sa kasaysayan ng bansa. Ito ay binubuo ng domestic borrowings o utang panloob na umaabot sa 69.09% at foreign borrowings o utang panlabas na umaabot sa 30.91%.

Narito ang ilang kasagutan sa tanong na paano ito mababayaran:

  • Ang pagbabayad ng utang ay maaaring gawin sa pamamagitan ng revenue collection taxation o pag-angkat ng pondo mula sa ibang bansa.
  • Ang Bureau of the Treasury ay may responsibilidad sa pag-monitor at pagpaplano sa pagbabayad ng utang.
  • Ang mga inutang ay ginagamit para sa pamumuhunan, imprastraktura, edukasyon, kalusugsn at iba pang sektor ng ekonomiya.
  • Ito ay maaaring gamitin para sa modernisasyon ng imprastruktura, pagpapagawa ng mga proyektong pang-ekonomiya at pagpapalakas ng sektor ng agrikultura at industriya.
  • Ang mga proyektong ito ay maaaring mag-focus sa transportasyon, enerhiya, telekomunikasyon, edukasyon at kalusugan, halimbawa sa psgpapalawak ng railway system, pagtatayo ng mga ospital at pagpapalakas ng agricultural research and development.
  • Ang mga mamamayan ng Pilipinas ang makikinabang sa pamamagitan ng improved services, job creation at economic growth. Ang mga proyektong ito ay naglalayong mapabuti ang kalagayan ng buhay ng mga tao.
  • Ang gobyerno ang may responsibilidad sa pagbabayad ng utang. Ito ay dapat gawin nang maayos at may transparency upang mapanatili ang creditworthiness ng bansa.

Sa kabuuan, ang paggamit ng utang ay dapat na maingat at maayos upang mapalago ang ekonomiys at mapabuti ang kalagayan ng mga mamamayan.

Sa pagpapasya kung paano gamitin ang mga laan na pondo mula sa utang, binibigyang linaw ito ng gobyerno para ss masusing pagpaplano at pamantayan tulad ng modernisasyon ng transportasyon, pagpapalawak ng mga kalsada, riles ng tren at mga paliparan at ito ay upang bumilis ang paggalaw ng tao at kalakal.

  • Pagpapalakas ng koryente at komunikasyon sa pamamagitan ng imprastraktura para sa mas mabilis na internet at mas malawakang access sa koryente. Pamumuhunan sa edukasyon, pagpapatayo ng karagdagang paaralan, silid-aralan, pagtaas ng sahod ng mga guro at pagpapabuti ng edukasyunal na sistema.
  • Pagtutok sa mga skills training, vocational, technical education at mataas na employability ng mga kabataan. Pagpapalakas ng healthcare system, pagtatayo ng mga ospital, pagpapalawak ng mga serbisyong medical at pagpapababa ng gastusin sa gamot.
  • Pagtutok sa public health programs, malnutrisyon, reproductive health, modernisasyon ng agrikultura, irigasyon at pagpapalskas ng sektor ng agrikultura, promosyon ng local industries, pagpapalakas ng lokal na produkto at negosyo.
  • Investment promotion, pag-encourage sa mga dayuhang investors na mamuhunan sa bansa, job creation at pagpili ng mga proyektong isasaalang-alang ang long-term impact at equity at matiyak na ang mga proyekto ay transparent, efficient at naka-align sa pangangailangan ng mamamayan.