UTOS NI DUTERTE: ALERTO VS SUICIDE BOMBERS

Pangulong Rodrigo Duterte-5

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga awtoridad na lalo pang paigtingin ang teknolohiya at pamamaraan para sa surveillance at intelligence gathering laban sa mga terorista.

Ito ay makaraang kumpirmahin ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP)  na Filipino ang isa sa suicide bombers sa naganap na pagsabog sa Sulu noong nakaraang buwan.

Ayon kay Panelo, lubhang nakababahala ang ginawang kumpirmasyon ng mga awtoridad lalo pa’t wala aniya sa karakter ng mga Filipino ang magpakamatay para lamang sa tero­rismo.

“It’s a cause for concern, given that this is the first time that there is a Filipino suicide bomber. It goes against the grain of the character of Filipinos, which is committing suicide for terrorism,” wika ni Panelo.

Walo katao kabilang ang dalawang suicide bombers at tatlong sundalo ang nasawi at 22 sundalo at sibilyan ang nasugatan sa suicide bombing na naganap sa 1st Brigade Combat Team Camp sa Indanan, Sulu noong Hunyo 28.

Ang naturang pambobomba ay naganap sa kabila ng umiiral na Martial law sa Mindanao.  EVELYN QUIROZ

Comments are closed.