UTOS NI DUTERTE: DURUGIN ANG ABU SAYYAF

abu sayyaf

“CRUSH them!” Ito ang iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Defense Secretary Delfin Lorenzana nang personal na magtungo ang presidente sa Jolo, Sulu kahapon kaugnay sa twin bombings sa Our Lady of Mt. Carmel Cathedral na ikinasawi ng 20 katao at ikinasugat ng 112 iba pa.

Ayon kay Lorenzana, ibinaba niya ang direktiba ni Pangulong Duterte sa Armed Forces of the Philippines para sa pagsugpo sa paghahasik ng terorismo ng Abu Sayyaf Group na sinasabing nasa likod ng  pagsabog kama­kalawa sa kasagsagan ng misa sa naturang simbahan na nasa Barangay Walled City bayan ng  Jolo.

Si Sec. Lorenzana ay nasa Jolo kasama nina Philippine Natonal Police chief Dir. Gen Oscar Albayalde, AFP chief of Staff Gen Benjamin Madrigal Jr., National Secretary Hermogenes Esperon Jr.,  at  DILG Secretary Eduardo Año.

Kaugnay nito, kinumpirma rin ni Lorenzana na may anim na person of interest nang tinututukan ang military at pulisya base sa kanilang mga nakalap na CCTV footages sa pinangyarihan ng pagsabog.

Nauna nang inako ng ISIS ang pagsabog, su­balit nanindigan ang militar na Abu Sayyaf ang may gawa dahil na rin sa kuha ng CCTV. VERLIN RUIZ

Comments are closed.