Pinakilos ng Pangulo ang lahat ng ahensiya ng gobyerno para maibsan ang epekto ng tumataas na pre-syo ng mga bilihin bunsod ng dagdag sa presyo ng mga langis at epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, inatasan na ng Pangulo ang Department of Trade and Industry (DTI) na i-monitor at bantayan ang mga negosyante na mananamantala sa sitwasyon.
Iniulat nitong nakaraang linggo ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, una ay bigas, sumunod ay mga gulay, school supplies at marami pang iba kaya napipilitang maghigpit ng sin-turon ang mga mamimili.
Maging ang mga vendor ay naghihinagpis na rin dahil hindi na umano sila kumikita ng malaki dahil na-papansin na tingi-tingi na lamang kung bumili ang mga consumer.
Sinabi pa ni Roque na inatasan na rin ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang regional wage board na pag-aralan ang pagtataas ng minimum wage ng mga manggagawa.
Pinag-aaralan na rin ng Department of Energy (DOE) na mag-angkat ng langis mula sa mga bansang hindi miyembro ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) kung saan mura ang mga produktong petrolyo gaya ng Russia. DWIZ882
Comments are closed.