IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipasok sa senior high school ang mga kurso ng Technical and Vocational Education and Training (TVET) upang magtagumpay ang job matching at better employability.
“‘Yung involvement ng industry, kailangan ‘yun- ‘ang kailangan namin ganito, kaya mag-training kayo ng ganyan.’ Wala pa tayong training na ganoon, maglagay kayo ng track na ganyan kasi ‘yun ang kailangan namin,” ayon sa Pangulong Marcos sa ginanap na sectoral meeting kahapon sa Malacanang.
Nalulungkot ang Pangulo na sa tagal nang panahon ay naglalatag ng livelihood trainings gaya sa cosmetology at dress making subalit hirap pa rin na makapasok dahil kadalasang ang hanap mg mga employer ay graduate kaya naman makabubuti na isama na ang mga TESDA courses sa paaralan partikular sa senior high school.
Sa panig naman ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), dapat anilang dumaan sa assessment upang malaman ang conditions ng different regions para sa program implementation.
“Yung malalaking city o ‘yung malalaking bayan, wala namang kailangan, they can be on their own pero ‘yung maliliit— ‘yung maliliit din na sixth class municipality—fifth, sixth class, wala rin tayong magagawa doon. So, we really have to study that more, hindi natin puwedeng isispin na shotgun effect, bahala na kung sinong tamaan,” ayon sa Pangulong Marcos.
Inatasan ng Pangulo ang agarang maipatupad ang panukala at pagbuo ng technical working group na kasama ang Department of Labor and Employment, Department of Education, Commission on Higher Education at TESDA upang mangasiwa sa mga detalye partikular ang curriculum development para sa integration ang TVET.
“So, iyong mga subject matter ‘experts’ po ang uupo. So ang sagot ko po niyan, maikling sagot is ang sabi ni Presidente: “As soon as possible” sabi pa ni TESDA deputy director general for policies and planning Rossana Urdaneta.
Una nang ipinanukala ng TESDA na isama ang TVET qualifications sa lahat ng SHS tracks para isulong ang lifelong learning at mag- improve ang employability, magtaglay ang high school graduates ng industry-relevant skills at knowledge. EVELYN QUIROZ