UTOS NI PNP CHIEF GAMBOA SA POLICE COMMANDERS, MAG-BIKE PATROLS

Lt Gen Archie Gamboa

INIUTOS  ni Philippine National Police (PNP) chief General Archie Francisco Gamboa sa mga local police commander na magsagawa ng mga bike patrols sa kanilang mga komunidad.

Ito ay upang makatulong sa police visibility, mabilis na pagresponde at  maagap na serbisyo  para sa humihingi ng tulong  sa kani-kanilang mga lokalidad.

Ayon kay Gamboa, importante ang police visibility sa ilalim ng new normal dahil patuloy pa rin nilang i-che-check ang pagsunod ng publiko sa health protocols gaya ng pagsusuot ng face masks at physical distancing.

Kamakailan ay iminungkahi ng gobyerno sa publiko na gumamit ng bisikleta sa gitna ng kawalan ng public transportation dahil sa lockdwon sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Comments are closed.