HUMIHILING ng dagdag-singil ang dalawang water concessionaires sa gitna ng tumataas na presyo ng mga bilihin.
Ayon kay Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Chief Regulator Patrick Ty, ang Manila Water ay humihirit ng P19.25 hanggang P20.37 kada cubic meter na taas-singil, na uutay-utayin sa loob ng apat na taon.
Sa unang taon sa Enero ay malaki ang bugso ng taas-singil na nasa P8.04 kada cubic meter dahil sa tariff adjustment na dala ng pagtigil ng mga disconnection.
“The last 3 years we were entitled to a tariff adjustment… 2 years ‘di po kami nagtapos ng serbisyo as a matter of fact wala kaming disconnection, ginastos po namin and yet ‘di naipatupad ang tariff adjustment,” pahayag ni Manila Water CEO Jocot De Dios.
Sa susunod na linggo pa ihahayag ng Maynilad kung magkano ang hihilingin nilang dagdag-singil.